Nilagdaan kamakailan ng mga departamento ng daambakal ng Tsina, Belarus, Alemanya, Kazakhstan, Mongolia, Poland, at Rusya, ang kasunduan hinggil sa pagpapalalim ng kooperasyon sa daambakal pangkarga sa pagitan ng Tsina at Europa.
Ang kasunduang ito ay nasa ilalim ng Belt and Road Initiative. Layon nitong palakasin ang mga serbisyo ng daambakal pangkarga sa pagitan ng Tsina at Europa, at pasulungin ang kaunlarang pangkabuhayan at kooperasyong pangkalakalan ng mga may kinalamang bansa.
Ayon sa kasunduan, pasusulungin ng naturang 7 bansa ang pag-uugnayan ng kani-kanilang mga imprastruktura ng daambakal. Gagamitin ng mga bansa ang information technology at itatatag ang magkakaisang platapormang pang-imporasyon, para palakasin ang episiyensiya at kaligtasan ng paghahatid. Bubuuin din nila ang working group at expert group, para mapapanahong lutasin ang lilitaw na isyu sa usaping ito.
Salin: Liu Kai