Ipinahayag kahapon, Martes, ika-9 ng Mayo 2017, ni Tagapagsalita Geng Shuang ng Ministring Panlabas ng Tsina, na normal ang pagharap sa iba't ibang kahirapan at hamon, habang pinapasulong ang Belt and Road Initiative.
Sinabi ni Geng, na ang layon ng pagdaraos ng Belt and Road Forum for International Cooperation ay para lagumin ang mga karanasan, itakda ang pangkalahatang plano, analisahin ang mga problema, magkakasamang harapin ang mga hamon, at palakasin ang pagkakaisa.
Nananalig din aniya ang panig Tsino, na tuluy-tuloy na susulong ang usapin ng Belt and Road, sa pamamagitan ng paglutas ng mga hamon at pagtatagumpay sa mga kahirapan.
Salin: Liu Kai