|
||||||||
|
||
Napag-alaman nitong Biyernes, Mayo 12, 2017, ng mamamahayag mula sa Porum ng Kooperasyong Pangkabuhayan at Pangkalakalan ng Tsina at Biyetnam na idinaos sa Beijing, nitong ilang taong nakalipas, mabilis na umuunlad ang kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng dalawang bansa. Ang halaga ng bilateral na kalakalan ng dalawang panig ay umabot na sa halos 100 bilyong dolyares.
Ayon kay Qian Keming, Pangalawang Ministro ng Komersyo ng Tsina, noong isang taon, umakyat na sa 98.2 bilyong dolyares ang halaga ng bilateral na kalakalan ng Tsina at Biyetnam. Aniya, sa kasalukuyan, ang Tsina ay nagsisilbing pinakamalaking trade partner ng Biyetnam.
Ipinahayag naman ni Nguyen Chi Dung, Ministro ng Pagplano at Pamumuhunan ng Biyetnam, na sa kasalukuyan, maraming bahay-kalakal na Tsino ang namumuhunan at nagsasagawa ng negosyo sa Biyetnam. Ang kabuuang halaga ng pamumuhunan ay umabot sa 11.2 bilyong dolyares, bagay na nakakapagbigay ng mahalagang ambag para sa pag-unlad ng kabuhayang Biyetnames, aniya pa.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |