|
||||||||
|
||
Beijing — Idinaos nitong Biyernes, Mayo 12, 2017, ang Porum ng Kooperasyong Pangkabuhayan at Pangkalakalan ng Tsina at Biyetnam sa 2017 na magkasamang dinaluhan ni Pangalawang Premyer Wang Yang ng Tsina at dumadalaw na Pangulong Biyetnames na si Tran Dai Quang.
Nagtatagumpati si Pangalawang Premyer Wang Yang ng Tsina.
Ipinahayag ni Wang na nitong ilang taong nakalipas, mainam ang tunguhin ng pag-unlad ng relasyong Sino-Biyetnames. Dapat aniyang mainam na isakatuparan ng dalawang panig ang isang serye ng komong palagay na narating nina Pangulong Xi at Vietnamese leaders upang ibayo pang mapasulong ang pragmatikong kooperasyon ng dalawang bansa.
Nagtatalumpati si Pangulong Tran Dai Quang ng Biyetnam.
Sa kanya namang talumpati, ipinahayag ni Tran Dai Quang na pinahahalagahan ng kanyang bansa ang pagpapaunlad ng komprehensibong estratehikong partnership sa Tsina. Aktibo aniyang pabubutihin ang kapaligirang pampamumuhunan para makapagbigay ng ginhawa sa pagpapalawak ng mga bahay-kalakal na Tsino ng pamumuhunan sa Biyetnam.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |