Sa seremonya ng pagbubukas ng Belt and Road Forum for International Cooperation ngayong araw, Mayo 14, 2017 , naglabas si Pangulong Xi Jinping ng Tsina ng talumpating pinamagatang Magkaisa para Itatag ang Silk and Economic Belt at 21st Century Maritime Silk Road.
Sa kanyang talumpati, sinabi ni Pangulong Xi na libu-libong taon na ang nakalipas sapul nang itatag ang libu-libong milyang sinaunang Silk Road. Kinatatampukan aniya ng diwa ng Silk Road ang pagtutulungan para sa kapayapaan, pagiging bukas at inklusibo, pagtuturo sa isa't isa at magkakabahaging benepisyo. Ito aniya ay mahalagang pamana sa sangkatauhan.
Aniya pa, noong panahon ng Tang Dynasty at Song Dynasty ng Tsina, magkasamang itinatag ang land-based na silk road at silk road sa karagatan kung saan nag-iwan ng kani-kanilang bakas ang mga kilalang manlalakbay na gaya nina Marco Polo mula sa Italya, at Ibn Batutah mula sa Morroco. Masasabing magkakasamang itinatag ng buong daigdig ang nasabing dalawang Silk Road sa pamamagitan ng bapor, caravan ng kamelyo, pagkakaibigan at kagandahang loob, sa halip na mga kabayong pandigma, espada at kanyon.
Salin: Jade |
Pulido: Rhio