Binuksan ngayong araw sa Beijing ang Belt and Road Forum for International Cooperation (BRF) na nilalahukan ng mga lider ng daigdig na kinabibilangan ni Pangulong Rodrigo Duterte ng Pilipinas.
Naglabas ng keynote speech si Pangulong Xi Jinping ng Tsina.
Tinukoy ni Xi, na batay sa limang simulain ng mapayapang pakikipamuhayan, nakahanda ang Tsina, na pauunlarin ang mapagkaibigang kooperasyon sa mga bansang kasali sa konstruksyon ng Belt and Road. Aniya, narating na ng Tsina, kasama ng maraming bansa ang kasunduan sa pragmatikong kooperasyon sa Belt and Road. Kabilang dito ay mga hardware connectivity project na gaya ng transportasyon, imprastruktura at enerhiya; mga software connectivity project na gaya ng telekomunikasyon at adwana; at planong pangkooperasyon at konkretong proyekto sa maraming larangang gaya ng kabuhaya't kalakalan, industriya, e-commerce, dagat, at berdeng ekonomiya.