Sa seremonya ng pagbubukas ng Belt and Road Forum for International Cooperation ngayong araw, Mayo 14, 2017 , naglabas si Pangulong Xi Jinping ng Tsina ng talumpating pinamagatang Magkaisa para Itatag ang Silk and Economic Belt at 21st Century Maritime Silk Road.
Ipinagdiinan ni Pangulong Xi na sa perspektibong pangkasaysayan, ang sangkatauhan ay kasalukuyang nasa panahon ng napakalaking pagbabago, pag-unlad at pagsasaayos. Sa perspektibong pangkasalukuyan naman, kinakaharap ng mundo ang iba't ibang hamon. Ang pag-unlad ng kabuhayang pandaigdig ay nangangailangan ng bagong lakas na pampasigla, at ang pag-unlad ay nangangailangan ng ibayo pang pagkabalanse at magkakabahaging kapakinabangan.
Sa kasalukuyang mundo, nararanasan ng ilang rehiyon ang kaligaligan, at kumakalat ang terorismo. Ang peace deficit, development deficit, at governance deficit ay mga kritikal na hamong kinakaharap ng sangkatauhan. Nitong apat na taong nakalipas sapul nang iharap ang Belt and Road Initiative, mahigit 100 bansa at organisasyong pandaigdig ang sumuporta at aktibong lumalahok sa magkakasamang pagpapatupad ng nasabing inisyatiba. Inilakip din sa mga resolusyon ng Pangkalahatang Asemblea ng UN at mga puno ng UN Security Council ang Belt and Road Initiative. Masasabing magkakasamang nagbubuklod ang iba't ibang panig para maisakatuparan ang Belt and Road Initiative.
Salin: Jade
Pulido: Rhio