Sabado, Mayo 13, 2017, nakipagtagpo si Wang Qishan, Kalihim ng Central Commission for Discipline Inspection ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), kay Bounyang Vorachit, Pangkalahatang Kalihim ng Lao People's Revolutionary Party (LPRP) at Pangulo ng bansa.
Sinabi ni Wang na pareho ang landas ng pag-unlad ng CPC at LPRP. Ang komprehensibo't mahigpit na pangangasiwa sa partido ay komong paksang kinakaharap ng dalawang partido. Umaasa aniya siyang mapapalalim ng kapuwa panig ang pagpapalitan sa konstruksyon ng partido at karanasan sa pangangasiwa at administrasyon ng bansa, at mapapataas ang lebel ng pragmatikong kooperasyon.
Ipinahayag naman ni Vorachit ang kahandaang mapapalalim ang pakikipagpalitan at pakikipagtulungan sa panig Tsino sa iba't ibang larangan, at mapapasulong ang tuluy-tuloy, malusog at matatag na pag-unlad ng relasyon ng dalawang partido at bansa.
Salin: Vera