Binuksan ngayong umaga sa Beijing ang Belt and Road Forum for International Cooperation (BRF) na nilalahukan ng mga lider ng daigdig na kinabibilangan ni Pangulong Rodrigo Duterte ng Pilipinas.
Naglabas ng keynote speech si Pangulong Xi Jinping ng Tsina.
Tinukoy ni Xi na ang Belt and Road ay isang bukas na landas. Lilikhain nito ang bukas na platapormang pangkooperasyon, at pangangalagaan at pauunlarin ang bukas na kabuhayang pandaigdig. Pauunlarin din nito ang multilateral na mekanismong pangkalakalan, pasusulungin ang konstruksyon ng malayang sonang pangkalakalan, at pabubutihin ang liberalisasyon at pasilitasyon ng kalakalan at pamumuhunan.
Itatatag ang Belt and Road bilang isang landas na may inobasyon. Palalakasin ang kooperasyon sa mga modernong larangang gaya ng digital economy, artificial intelligence at iba pa; at lilikhain ang espasyo para sa masimulan ng mga kabataan ang kani-kanilang negosyo sa Internet Age.
Itatatag ang Belt and Road bilang isang sibilisadong landas. Itatayo ang mekanismo ng kooperasyon ng mga tao sa iba't ibang antas, at palalakasin ang pagpapalagayan at pagpapalitan sa pagitan ng mga parliamento, partido, organisasyong di-pampamahalaan at mamamayan ng iba't ibang bansa.