Sa kanyang pakikipagkita Lunes, Mayo 15, 2017, sa mga mamamahayag Tsino at dayuhan, sinabi ni Pangulong Xi na sa panahon ng porum, nilagdaan ng Tsina at mga kaukulang panig ang isang serye ng bagong kasunduang pangkooperasyon. Hanggang sa kasalukuyan, umabot sa 68 ang bilang ng mga bansa at organisasyong pandaigdig na nlumagda sa kasunduang pangkooperasyon ng "Belt and Road." Sa Leaders' Roundtable Summit ngayong araw, nagpalitan ng kuru-kuro ang mga pandaigdigang lider at namamahalang tauhan ng International Monetary Fund (IMF) hinggil sa pagpapalakas ng estratehikong pag-uugnayan sa kaunlarang pampatakaran, pagpapalalim ng partnership, pagpapasulong ng konektibidad, pagpapasulong ng pagpapalitang pangkultura, at iba pa. Narating nila ang malawakang komong palagay, at pinagtibay ang magkakasanib na komunike, ani Xi.
Salin: Li Feng