Idinaos kamakalawa sa Fuzhou ang China(Fujian)-Vietnam Economic and Trade Forum na magkasamang itinaguyod ng pamahalaan ng Fujian ng Tsina at Ministry of Planning and Investment ng Biyetnam. Nilagdaan ng dalawang panig ang apat na kasunduang pangkabuhaya't pangkalakalan na kinabibilangan ng 600 milyong dolyares na puhunan at 35 milyong dolyares na pagluluwas ng Tsina sa Biyetnam.
Sa porum, ipinahayag ni Tran Dai Quang, Pangulo ng Biyetnam na welkam ang mga kompanya ng Fujian na mamuhunan at magsagawa ng negosyo sa Biyetnam. Maari aniyang likhain ng kanyang bansa ang magandang kapaligiran para sa kanila. Bukod dito, eenkorahehin ng Biyetnam ang lahat ng kompanyang Tsino na mamuhunan sa mga hi-tek na proyekto sa Biyetnam, lalong lalo na sa aspekto ng imprastruktura, logistics, electronics at pangangalaga sa kapaligiran.
Ang Tsina ang pinakamalaking trade partner ng Biyetnam, at umasa si Tran Dai Quang na makaabot sa 100 bilyong dolyares ang kabuuang bolyum ng bilateral na kalakalan ng dalawang bansa sa lalong madaling panahon.