Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Ika-2 Belt and Road Forum for International Cooperation, nakatakdang idaos sa 2019

(GMT+08:00) 2017-05-16 09:36:11       CRI
Ipininid, Lunes, ika-15 ng Mayo 2017, sa Beijing, ang 2-araw na Belt and Road Forum for International Cooperation.

Sa kanyang talumpati sa seremonya ng pagpipinid, ipinahayag ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na bagama't mahigpit na mahigpit ang iskedyul, naisagawa ng mga kalahok ang malalim at direktang talakayan sa porum at narating ang malawakang komong palagay sa ilang aspekto na sumusunod:

Una, buong sipag na pasusulungin ang kooperasyong pandaigdig sa pagpapasulong ng Belt and Road Initiative. Buong pagkakaisang ipinalalagay ng mga kalahok na sa kasalukuyang kalagayang pangkabuahayan ng daigdig, ang pagtatatag ng One Belt at One Road ay may mahalagang katuturan sa paggalugad ng bagong paglaking pangkabuhayan at pagpapalakas ng produksyong panloob at makakabuti ito sa pagiging mas inklusibo at mas kapaki-pakinabang ng globalisasyon ng kabuhayan.

Ika-2, patuloy na palalakasin ng mga kaukulang bansa ang pagkokoordinahang pampatakaran at pag-uugnayan sa estratehiyang pangkaunlaran upang mabuo ang magkakasamang pagsisikap para sa kanilang pag-unlad.

Ika-3, umaasang maisasakatuparan ang mga komong palagay sa lalong madaling panahon at walang humpay na pasulungin ang mga pragmatikong kooperasyon para matamo ang bunga.

Ika-4 umaasang itatatag ang tulay sa pagitan ng pagpapalitang di-pampamahalan sa iba't ibang bansa at likhain ang mas magandang pamumuhay ng mga mamamayan. At ipagpapatuloy ng mga kaukulang bansa ang Silk Road Spirit, at magsisikap upang maisakatuparan ang win-win situation.

Ika-5 ang One Belt and One Road ay isang bukas at inklusibong na palatandaan ng kaunlaran, ang lahat ng bansa ay pantay-pantay na kalahok, contributor at beneficiary.

Bilang pagtatapos, nagpatalastas si Xi na idaraos ang ika-2 Belt and Road Forum for International Cooperation sa taong 2019.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>