Sa isang artikulong pinamagatang "China's Vision Best Model for Africa's Desired Progress" na isinapubliko Mayo 15, 2017, ipinahayag ni Pangulong Uhuru Kenyatta ng Kenya na ang inisyatibo sa konektibidad ng buong mundo, na gaya ng pandaigdigang pagtutulungang pangkalakalan, na iniharap ng Tsina sa Belt and Road Forum for International Cooperation mula Mayo 14 hanggang Mayo 15, 2017 ay angkop sa mithiin ng mga mamamayang Aprikano sa pagsasakatuparan ng komong kasaganaan.
Anang artikulo, bilang matalik na kaibigan ng Kenya, nagsisikap ang Tsina para tulungan ang konstruksyon ng bansa, halimbawa'y pagtatatag ng daambakal sa pagitan ng Mombasa at Nairobi. Anito, may malaking potensyal ang estratehikong pagtutulungang may mutuwal na kapakinabangan ng dalawang bansa.