Sa sidelines ng Belt and Road Forum for International Cooperation sa Beijing, idinaos kagabi Mayo 15, 2017 ang isang resepsyon para sa industriya ng turismo at media.
Sa pagtitipon, ipinahayag ni Datuk Mohamed Nazri Abdul Aziz, Ministro ng Turismo at Kultura ng Malaysia na ang Malaysia ay isa sa mga bansa ng Association of Southeast Asian Nations(ASEAN) na may magandang diplomatikong relasyon sa Tsina at kasalukuyang paboritong destinasyon ng mga turistang Tsino. Nakahanda aniya ang kanyang bansa na ibayong pahigpitin ang pagtutulungan ng dalawang panig sa pamilihang panturista. Aniya, tinatayang aabot sa 4 milyon ang bilang ng mga turistang Tsino sa Malaysia sa taong 2017. Nagsisikap ang Malaysia para sa target na ito, dagdag pa niya.