Idinaos Lunes, Mayo 15, 2017 ang simposyum na may kinalaman sa pagtatatag ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Community at Relasyong Sino-ASEAN dito sa Beijing na magkasamang itinataguyod ng delegasyon ng Tsina sa ASEAN, Beijing Review Magazine at Pangoal Institution.
Sa simposyum, tinalakay ng mga kalahok ang hinggil sa ika-50 anibersaryo ng pagtatatag ng ASEAN, relasyong Sino-ASEAN, "One Belt One Road Initiative", kung papaanong pasulungin ang relasyong Sino-ASEAN sa pamamagitan ng pagpapalitan at pagtutulugan ng media at iba pa.
Sa kanyang talumpati, ipinahayag ni AKP Mochtan, Pangalawang Pangkalahatang Kalihim ng ASEAN na parehong pareho ang target na pangkaunlaran ng ASEAN at Chinese Dream, magkatugma ang ASEAN Connectivity at "One Belt One Road Initiative". Ang mga ito, aniya siya ay pawang magkatulad na landas na patungo sa kasaganaan.