Nakipag-usap Mayo 16, 2017 sa Beijing si Premyer Li Keqiang ng Tsina kay Aung San Suu Kyi, State Counsellor ng Myanmar.
Ipinahayag ni Li ang pag-asang matatag na pasusulungin ng Tsina at Myanmar ang kooperasyon sa mga proyektong kinabibilangan ng pagtatayo ng espesyal na sonang pangkabuhayan, pagtatatag ng tubo ng langis at natural gas, at konstruksyon ng daungan. Inaasahan din aniya niya ang pagpapalakas ng kompiyansa ng mga bahay-kalakal ng dalawang panig. Umaasa rin ni Li na maisasakatuparan ang tigil-putukan sa gawing hilaga ng Myanmar sa lalong madaling panahon, para igarantiya ang katatagan at seguridad sa purok-hanggahan ng Tsina at Myanmar.
Ipinahayag naman ni Aung San Suu Kyi ang pagpapahalaga sa pakikipagtulungan ng Myanmar sa Tsina. Nakahanda aniya ang Myanmar na ibayong pahigpitin ang kooperasyon sa Tsina sa larangan ng kabuhayan, kalakalan, kultura, at iba pa. Ipinahayag din niya ang pasasalamat sa walang-tigil na suportang ibinibigay ng Tsina sa pagpapasulong ng prosesong pangkapayapaan ng bansa.