Ipinahayag kamakailan ng Vinamilk, kompanyang Biyetnames na magluluwas ito ng produktong gatas sa Tsina. Ang nasabing kompanya ay unang bahay-kalakal sa Biyetnam na makapagluluwas ng naturang produkto sa Tsina.
Sinabi ng isang tagapagsalita ng kompanya na sa panahon ng pagdalaw ni Pangulong Tran Dai Quang ng Biyetnam sa Tsina, nilagdaan ng kanyang kompanya, kasama ng bahay-kalakal na Tsino ang memorandum of understanding tungkol dito.
Ang Vinamilk ay ang pinakamalaking kompanya ng produktong gatas ng Biyetnam. Halos 258 milyong dolyares ang kabuuang halaga ng pagluluwas nito noong 2016.
Salin: Vera