Idinaos kahapon, Sabado, ika-20 ng Mayo 2017, sa Hanoi, Biyetnam, ang Ika-23 Pulong ng mga Ministro ng Kalakalan ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC).
Sa kanyang talumpati sa seremonya ng pagbubukas ng pulong, nanawagan si Punong Ministro Nguyen Xuan Phuc ng Biyetnam, sa mga kasapi ng APEC, na palawakin ang integrasyong pampamilihan, kalakalan, at pagtutulungan, para isakatuparan ang ibayo pang kasaganaan sa rehiyong Asya-Pasipiko.
Sa kanya namang talumpati sa pulong, nanawagan si Zhong Shan, Ministro ng Komersyo ng Tsina, sa mga kasapi ng APEC, na ibayo pang pasulungin ang inobasyon sa rehiyong Asya-Pasipiko, para panatilihin ang bentahe sa aspektong ito.
Tinalakay din ng mga kalahok ang hinggil sa Belt and Road Initiative. Optimistiko sila sa papel ng inisyatibang ito para sa pagpapasulong ng connectivity sa rehiyong ito.
Salin: Liu Kai