|
||||||||
|
||
Una, umaasa aniya ang mga kalahok na pagsasamahin ang sariling pag-unlad at komong pag-unlad ng buong daigdig upang maitakda ang hangad at direksyon ng kooperasyong pandaigdig ng "Belt and Road." Sa susunod na yugto, patuloy na isusulong ng mga kaukulang bansa ang konstruksyon ng "Belt and Road" sa mas malaking saklaw at mas malawakang lebel.
Ikalawa, ipagpapatuloy ng mga kaukulang bansa ang Silk Road Spirit, at magsisikap upang maisakatuparan ang win-win situation.
Ikatlo, patuloy na palalakasin ng mga kaukulang bansa ang pagkokoordinahang pampatakaran at pag-uugnayan sa estratehiyang pangkaunlaran upang mabuo ang magkakasamang pagsisikap para sa kanilang pag-unlad.
Ika-apat, ang napagplanuhang road map ng mga kalahok ay nagtakda sa pangunahing larangang pangkooperasyon at porma ng aksyon. Umaasa aniya silang sa pamamagitan ng konstruksyon ng "Belt and Road," magiging mas malakas ang paglaki ng kabuhayan ng iba't-ibang bansa, magiging mas mabuti ang imprastruktura, mas masigla ang pag-unlad ng mga industriya, mas malalim ang kooperasyong pinansyal, at mas mahigpit ang pagpapalitang pangkultura. Tutugma rin sa inaasahan ng kanilang mga mamamayan, at ang pagsasagawa ng kooperasyon sa mga larangang kinabibilangan ng sustenableng pag-unlad, paglaban sa korupsyon, pagbabawas ng karalitaan at kapahamakan, at iba pa.
Ikalima, sa plataporma ng BRF, natamo ng mga kalahok na bansa ang isang serye ng bungang pangkabuhayan sa pagpapasulong ng kanilang pragmatikong kooperasyon. Sa bisperas ng BRF, lumagda ang Tsina at mga bansa at organisasyong pandaigdig sa mga dokumento at kasunduang pangkooperasyon. Ito aniya ay mahalagang bahagi ng BRF.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |