Guiyang, Lalawigang Guizhou ng Tsina—Ipinahayag Biyernes ng gabi, ika-19 ng Mayo, 2017, ni Liu Zhenmin, Pangalawang Ministrong Panlabas ng Tsina, na may pundasyon ang Guizhou para magsilbing lokal na plataporma ng pagpapalitan at pagtutulungan ng Tsina at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN). Aniya, ang katatapos na ika-23 Pagsasanggunian ng Mga Mataas na Opisyal ng Tsina at ASEAN, ika-14 na Pulong ng Mga Mataas na Opisyal Hinggil sa Pagpapatupad ng Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea, at Unang Pulong ng China-Philippines Bilateral Consultation Mechanism (BCM) on the South China Sea, kasama ng Linggo ng Pagpapalitan sa Edukasyon ng Tsina at ASEAN, ay makakatulong sa Guizhou, para maisakatuparan ang target na ito.
Dumalo si Liu na nasabing isang serye ng mga pulong sa mataas na antas ng Tsina at ASEAN.
Salin: Vera