Nagpadala ng mensahe Mayo 20, 2017 si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa kanyang Iranian counterpart na si Hassan Rouhani, bilang pagbati sa muling panunungkulan nito bilang pangulo ng Iran.
Tinukoy ni Pangulong Xi na nitong apat na taong nakalipas, malaking tagumpay ang natamo ng Iran sa kaunlarang panlipunan at pangkabuhayan, sa pamumuno ni Pangulong Rouhani. Ipinahayag pa ng Pangulong Tsino na sa kasalukuyan, nananatiling mainam ang pagtutulungan ng Tsina at Iran. Aniya, noong Enero, 2016, ipinatalastas sa Iran ng dalawang pangulo ang pagtatatag ng komprehensibong estratehikong partnership ng Tsina at Iran, at narating nila ang pagkakasunod sa pagpapasulong ng bilateral na relasyong Sino-Iranyo. Nakahanda aniya ang Tsina na magsikap, kasama ng Iran para pasulungin ang estratehikong pagtutulungan ng dalawang panig sa ibat-ibang larangan.