Naganap kaninang umaga, Miyerkules, ika-31 ng Mayo 2017, sa Kabul, kabisera ng Afghanistan, ang pambobomba na ikinamatay na ng 64 katao, at ikinasugat ng 320 iba pa. Ito ang sinabi ng Ministri ng Suliraning Panloob ng bansang ito.
Ayon sa ulat, naganap ang pagsabog na ito sa Wazir Akbar Khan, pinakamayamang bahagi ng Kabul, kung saan matatagpuan ang mga tanggapan ng mga organisasyong pandaigdig, mga embahada ng ibang bansa, at mga tanggapan ng mga departamento ng pamahalaan ng Afghanistan.
Sinimulan na ng panig pulisya ng Afghanistan ang imbestigasyon sa insidenteng ito. Hanggang sa kasalukuyan, wala pang organisasyon o indibiduwal ang umaangkin ng responsibilidad dito.
Salin: Liu Kai