|
||||||||
|
||
Sa ASEAN Summit ng 2017 World Economic Forum (WEF) na idinaos kamakailan sa Phnom Penh, Cambodia, naging mainit na tema ang konstruksyon ng imprastruktura at konektibidad. Nanawagan ang mga kalahok na dapat malawakang magkooperasyon ang pamahalaan at mga pribadong departamento upang mapasulong ang konstruksyon ng imprastruktura at ang konektibidad sa rehiyong ito.
Ipinahayag sa summit ni Punong Ministro Hun Sen ng Cambodia, na ang inisyatibo ng "Belt and Road" na iniharap ng Tsina ay nakapagbigay ng pag-asa para sa nasabing usapin ng mga umuulad na bansa. Ipagkakaloob din aniya ng Asian Infrastructure Investment Bank (AIIB) ang bagong tulong na pondo sa mga kaukulang bansa, partikular na sa mga bansang ASEAN sa kanilang konstruksyon ng imprastruktura at konektibidad.
Ayon sa ulat, gaganapin ang susunod na ASEAN Summit ng WEF sa Biyetnam sa taong 2018.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |