Idinaos April 19, 2016 dito sa Beijing ang Diyalogo ng Tsina at ASEAN hinggil sa Kooperasyon sa Konstruksyon ng Imprastruktura.
Ipinahayag ni Xu Ningning, Direktor na Tagapagpaganap ng China-ASEAN Business Council (CABC) na patuloy na lumalalim ang kooperasyon ng Tsina at ASEAN sa imprastruktura. Aniya, malaki ang pangangailangan ng ASEAN sa imprastruktura, at ito ay nagiging mahalagang partner ng Tsina sa pagsasagawa ng kooperasyon sa larangang ito.
Mula noong Enero hanggang Nobyembre ng taong 2015, nilagdaan ng mga bahay-kalakal ng Tsina ang 1,381 kontrata hinggil sa proyekto ng imprastruktura sa ASEAN. Ang kabuuang halaga ng mga ito ay umabot sa 28.4 bilyong doyares, at ito ay lumaki ng 41.2 % kumpara sa gayun ding panahon ng noong 2014.
Sa diyalogo, magkakahiwalay na ipinahayag ng mga kinatawan ng Thailand, Singapore, Laos, at Malaysia na may plano ang kanilang mga bansa na pasuluganin ang konstruksyon ng imprastruktura sa daambakal, express way, puwerto, paliparan at iba pa. Nakahanda anila silang buksan ang mga proyekto para sa mga bahay-kalakal na Tsino.
salin:wle