Ayon sa ulat kahapon, Huwebes, Hunyo 1, 2017, ng Power Grid Company ng lalawigang Yunnan sa timog kanluran ng Tsina, noong isang taon, inihatid nito ang mahigit 1.7 bilyong kilowatt-hours na koryente sa Biyetnam, Laos, at Myanmar.
Sinabi ng naturang kompanya, na nitong ilang taong nakalipas, sa ilalim ng Belt and Road Initiative, pinalalalim nito ang paglahok sa kooperasyong pangkoryente sa Greater Mekong Subregion, at sa pagitan ng Tsina at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).
Anito pa, sa susunod na yugto, palalawakin nito ang nabanggit na kooperasyon, para ipagkaloob sa Laos at Biyetnman ang mga serbisyo at pagsasanay ng tauhan sa aspekto ng teknolohiyang pangkoryente.
Salin: Liu Kai