BEIJING—Sa pakikipagtagpo, Martes, Hunyo 6, 2017, ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina kay Jerry Brown, Gobernador ng California ng Amerika, ipinahayag niya ang pag-asang gaganap ang Estado ng California ng mas malaking papel para mapalalim ang pagpapalitan at kooperasyon sa pagitan ng mga lokalidad, at mapasulong ang relasyong Sino-Amerikano. Tinatanggap aniya ng Tsina ang paglahok ng California sa "Belt and Road" Initiative.
Ipinahayag naman ni Brown na laging pinasusulong ng pamahalaan ng California ang positibong pakikipag-diyalogo at pakikipag-kooperasyon sa mga pamahalaang lokal ng Tsina. Pinapupurihan aniya ng California ang "Belt and Road" Initiative, at nakahanda itong magpalakas ng kooperasyon sa Tsina sa larangan ng kabuhayan, kalakalan, malinis na teknolohiya, proteksyon ng kapaligiran at iba pa.
salin:lele