|
||||||||
|
||
Sa kanyang pakikipag-usap sa telepuno Sabado, Mayo 20, 2017, kay Rex Tillerson, Kalihim ng Estado ng Estados Unidos, ipinahayag ni Yang Jiechi, Kasangguni ng Estado ng Tsina, na sapul nang mag-usap sina Pangulong Xi Jinping at Pangulong Donald Trump sa Mar-a-Lago, sa pamumuno ng narating na komong palagay ng dalawang lider, natamo ng relasyong Sino-Amerikano ang bagong mahalagang progreso. Sa susunod na yugto, patuloy aniyang isasakatuparan ng dalawang panig ang komong palagay ng mga lider, pananatilihin ang pagpapalagayan ng mga mataas na opisyal, pasusulungin ang pragmatikong kooperasyon sa iba't-ibang larangan, at palalakasin ang pagkokoordinahan at pagsasanggunian sa mga mahalagang isyung panrehiyon at pandaigdig. Nakahanda ang panig Tsino na magsikap kasama ng panig Amerikano para mapabuti ang paghahanda sa gagawing unang Diyalogong Diplomatiko at Panseguridad ng Tsina at Amerika at maigarantiya ang maalwang pagdaraos ng diyalogong ito.
Ipinahayag naman ni Tillerson ang kahandaan ng panig Amerikano na palakasin ang pakikipagkoordinahan sa panig Tsino upang matamo ng nasabing diyalogo ang positibong bunga.
Nagpalitan din ng kuru-kuro ang dalawang panig hinggil sa mga isyung panrehiyon at pandaigdig na gaya ng situwasyon ng Korean Peninsula.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |