Sa sidelines ng 2-araw na 14th Senior Officials' Meeting ng Porum na Pangkooperasyon ng Tsina at mga Bansang Arabe na binuksan Mayo 22 sa Beijing, kinatagpo ni Yang Jiechi, Kasangguni ng Estado ng Tsina ang mga puno ng delegasyong Arabe.
Ipinahayag ni Yang na nakahanda ang Tsina na magsikap, kasama ng mga bansang Arabe para pasulungin ang magkasamang pag-unlad, sa pamamagitan ng magkasamang konstruksyon ng Belt and Road Initiative. Aniya, positibo ang Tsina sa pagsisikap ng mga bansang Arabe sa pangangalaga sa kani-kanilang lehitimong karapatan at interes. Ipagpapatuloy aniya ng Tsina ang konstruktibong papel sa pagpapasulong ng kapayapaan at katatagan ng rehiyong Gitnang Silangan.
Ipinahayag ng panig Arabe na ang Belt and Road Initiative ay magdudulot ng pagkakataon sa pag-unlad ng konstruksyon at kabuhayan ng mga bansang Arabe, at handa na ang lahat ng mga bansang Arabe na sumapi sa usaping ito. Positibo anila sila sa estratehikong pakikipagtulungan sa Tsina. Inaasahan anilang gaganap ang Tsina ng mas mahalagang papel sa pag-unlad ng Gitnang Silangan.