Ayon sa ulat ngayong araw, Biyernes, ika-16 ng Hunyo 2017, ng Public Security Bureau ng Sanya, kilalang lunsod na panturista sa timog Tsina, dumalaw kamakailan sa Thailand ang delegasyon ng mga tourism police ng lunsod na ito, at nakipagpulong sa mga tourism police na Thai.
Ayon sa salaysay, nagsagawa ng pagpapalitan ang dalawang panig hinggil sa paghubog ng grupo ng tourism police, paghawak ng mga kaso, paraan ng pagpapatrolya, pangangasiwa sa industriya ng turismo, at iba pa. Narating din nila ang komong palagay hinggil sa pagpapalakas ng pagtutulungan at pagdadalawan.
Salin: Liu Kai