|
||||||||
|
||
Ipinatalastas nitong Biyernes, Hunyo 16, 2017, ni Pangulong Donald Trump ng Amerika ang pagpapahigpit ng patakaran ng US government sa Cuba sa mga aspektong gaya ng kabuhayan at kalakalan, at turismo. Ngunit hindi sasarhan ang muling pagbubukas ng US Embassy sa Cuba noong 2015.
Sa kanyang talumpati sa US-Cuba relations na ginanap sa Manuel Artime Theater sa Miami, Florida, idineklara ni President Trump na agarang kinakansela nito ang "terrible and misguided deal" sa Cuba ni dating US President Barack Obama. Pinahihigpit at ipinagbabawal ang mga mamamayang Amerikano na magpunta sa Cuba.
Ipinagdiinan din niya na patuloy na isasagawa ng Amerika ang economic at financial blockade, at embargo laban sa Cuba.
Magugunitang noong Disyembre 17, 2014, ipinatalastas nina dating Pangulong Barack Obama ng Amerika at Raul Castro, lider ng Cuba, ang pagpapasimula ng proseso ng normalisasyon ng relasyon ng dalawang bansa. Noong Hulyo, 2015, pormal na napanumbalik ang relasyong diplomatiko ng dalawang bansa. Noong katapusan ng Nobyembre, 2016, minsa'y inihayag ni Trump na kung hindi makakaabot ang Cuba ng ilang nakatakdang target, ititigil niya ang naturang proseso.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |