Ipinahayag Miyerkules, ika-21 ng Hunyo, 2017 ni Tagapagsalita Geng Shuang ng Ministring Panlabas ng Tsina, na sa kasalukuyan, sa ilalim ng magkakasamang pagsisikap ng Tsina at mga bansang ASEAN, lumitaw ang tunguhin ng positibong pag-unlad sa kalagayan ng karagatang ito.
Aniya, batay sa komprehensibo't mabisang pagpapatupad ng diwa ng Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea (DOC), aktibong pinapasulong ng iba't ibang panig ang pagsasanggunian sa Code of Conduct in the South China Sea (COC) at pragmatikong kooperasyong pandagat, at natamo ang masaganang bunga. Sa Ika-14 na Seniors' Official Meeting on the Implementation of DOC na idinaos sa Guiyang noong isang buwan, nagkaisa ng palagay ang iba't ibang panig tungkol sa balangkas ng COC.
Isinalaysay pa niya sapul noong isang taon, sinang-ayunan ng iba't ibang panig na itatag ang pagtatatag ng hotline ng mga mataas na diplomatikong opisyal at pag-aadopt ng Code for Unplanned Encounters at Sea (CUES) sa South China Sea. Noong unang hati ng taong ito, matagumpay na nagsubok-operasyon ang nasabing hotline. Nananalig aniya siyang ang nasabing isang serye ng mga hakbangin ay magpapatingkad ng mahalagang papel para sa pagpapalakas ng pagtitiwalaan ng iba't ibang panig at pagpigil sa aksidente.
Salin: Vera