Dumalaw kamakalawa, Miyerkules, ika-21 ng Hunyo 2017, ang delegasyon ng mga mataas na opisyal ng edukasyon ng mga bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) sa ASEAN-China Centre (ACC), na nakabase sa Beijing.
Isinalaysay ni Yang Xiuping, Pangkalahatang Kalihim ng ACC, ang hinggil sa kooperasyong pang-edukasyon ng Tsina at ASEAN. Mabunga aniya ang kooperasyong ito, at may malawak na prospek. Halimbawa, sinabi ni Yang, na noong isang taon, lumampas sa 200 libo ang kabuuang bilang ng mga estudyanteng Tsino sa mga bansang ASEAN, at mga estudyante ng mga bansang ASEAN sa Tsina. Dagdag niya, pinapasulong din ng ACC ang ilang malaking programa ng kooperasyong pang-edukasyon ng dalawang panig.
Isiniwalat naman ni Vongthep Arthakaivalvatee, Pangalawang Pangkalahatang Kalahim ng ASEAN, at puno ng naturang delegasyon, na sasamantalahin nila ang pagkakataon ng kasalukuyang biyahe sa Tsina, para makipag-usap sa mga may kinalamang departamento ng pamahalaang Tsino, hinggil sa paggawa ng plano ng aksyon sa kooperasyong pang-edukasyon ng ASEAN at Tsina.
Salin: Liu Kai