Phnom Penh, Kambodya—Idinaos dito Huwebes, Hunyo 22, 2017 ang talakayan na may temang "Pangkalahatang Kalagayan at Pagtanaw sa Kooperasyong Sino-Kambodyano sa Ilalim ng Belt and Road Initiative." Kalahok dito ang mga kilalang iskolar ng sirkulong akademiko at mga mataas na opisyal na namamahala sa kooperasyon ng mga proyekto ng Belt and Road ng Tsina at Kambodya, at ilang iskolar ng mga bansang Asyano't Europeo.
Binigyang-diin sa pulong ni Norodom Sirivudh, Tagapangulo ng Cambodian Institute for Cooperation and Peace (CICP), na ang Belt and Road Initiative ay bagong ideya sa pagpapasulonng sa kapayapaan, katatagan, kasaganaan, at harmonya. Aniya, maaaring patingkarin ng bawat bansa ang sariling papel sa konstruksyon ng nasabing inisiyatiba, at makikinabang din dito.
Ang mga pinapasulong na proyektong pangkooperasyon ng Belt and Road ng Tsina at Kambodya ay kinabibilangan ng bagong paliparan sa Siem Reap, highway sa pagitan ng Phnom Penh at Sihanoukville, konstruksyon ng electric grid sa kanayunan at iba pa. Patuloy rin ang pagdami ng pagpapalitan at pagtutulungan ng kapuwa panig sa yamang tao.
Salin: Vera