Ipinahayag kahapon, Lunes, ika-26 ng Hunyo 2017, ng Henan University of Chinese Medicine, na sa pamamagitan ng kooperasyon kasama ng Linton University College ng Malaysia, nagsimula itong humanap sa Malaysia ng mga estudyanteng mag-aaral ng medisinang Tsino.
Ayon sa namamahalang tauhan sa kooperasyong panlabas ng Henan University of Chinese Medicine, ito ay isang konkretong programa ng pagpapalitan at pagtutulungan ng Tsina at Malaysia sa edukasyon hinggil sa medisinang Tsino.
Dagdag niya, bukod sa pagtuturo ng mga estudyante, magtutulungan din ang dalawang pamantasan, para palaganapin ang serbisyo ng medisinang Tsino sa daigdig, at palakasin ang pagdedebelop at paggamit ng mga lokal na likas na materyal na pangmedisina ng Malaysia.
Salin: Liu Kai