Kinatagpo unang araw ng Hunyo, 2017 ni Punong Ministro Najib Tun Razak ng Malaysia ang dumadalaw na Ministro ng Pampublikong Seguridad ng Tsina na si Guo Shengkun.
Ipinahayag ni Guo ang pag-asang tutupdin ng Tsina at Malaysia ang komong palagay na narating ng mga liderato ng dalawang bansa, at pabibilisin ang ugnayan ng estratehiyang pangkaunlaran, sa ilalim ng balangkas ng Belt and Road Initiative para ibayong pasulungin ang komprehensibong estratehikong partnership ng dalawang bansa. Aniya, nakahanda ang Tsina na magsikap, kasama ng Malaysia para ibayong palakasin ang pagtutulungan sa larangan ng paglaban sa terorismo, pagbibigay-dagok sa droga, cyber security, at iba pa.
Ipinahayag naman ni Najib na positibo ang Malaysia sa bungang natamo ng pakikipagtulungan sa Tsina sa larangan ng pagpapatupad ng batas. Nakahanda aniya ang Malaysia na magsikap, kasama ng Tsina para ibayong pahigpitin ang pagpapalitan at koordinasyon, para ibayong pasulungin ang bilateral na relasyon ng dalawang panig.