Sa regular na preskon Miyerkules, Hunyo 28, 2017, ipinahayag ni Lu Kang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang paggawa ng panig Tsino ng lansangan sa rehiyon ng Doklam ay soberanong aksyon sa sariling teritoryo, at ganap na legal ito. Aniya, walang karapatan ang ibang panig na pakialaman ito.
Sinabi ni Lu na kailanma'y ang rehiyon ng Doklam ay saklaw ng Tsina, sa halip ng Bhutan. Walang kinalaman din dito ang India. Ang katotohanang ito ay may lubos na batayang historikal at hurisprudensyal, at ground situation.
Salin: Vera