Ipinahayag Martes, ika-27 ng Hunyo, 2017, ni Werner Hoyer, Presidente ng European Investment Bank (EIB), na magkahawig ang Asian Infrastructure Investment Bank (AIIB) at EIB sa mga aspektong gaya ng ideya ng administrasyon, modelo ng negosyo at iba pa. Lipos siya ng kompiyansa sa pagsasagawa ng kapuwa panig ng mahigpit na kooperasyon.
Dumalo nang araw ring iyon si Hoyer sa news briefing para sa mga mamamahayag ng Unyong Europeo (EU). Nang sagutin ang tanong ng mamamahayag ng China Radio International (CRI), binigyan niya ng mataas na pagtasa ang Belt and Road Initiative na iniharap ng Tsina para sa komong kaunlaran. Aniya, naninindigan ang nasabing inisiyatiba sa iba't ibang porma ng connectivity. Nagkakaloob ito ng pandaigdig na plano sa EU at ibang pook ng daigdig. Babaguhin aniya nito ang paraan ng kooperasyong pandaigdig, kaya buong pananabik na inaasahan ng EIB na makisangkot dito.
Salin: Vera