Beijing, Tsina—Nakipagtagpo dito Huwebes, ika-29 ng Hunyo, 2017 si Chang Wanquan, Ministro ng Tanggulang Bansa ng Tsina, kay dumadalaw na Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano ng Pilipinas.
Sinabi ni Chang na sa pamumuno nina Pangulong Xi Jinping at Pangulong Rodrigo Duterte, komprehensibong bumuti at nagtamo ng mas malaking pag-unlad ang relasyong Sino-Pilipino. Nakahanda aniya ang panig Tsino, kasama ng panig Pilipino, na igiit ang kooperasyong pangkapitbansa at pangkaibigan, maayos na hawakan ang mga alitan, at magkakapit-bisig na umabante para makapaghatid ng benepisyo sa mga Tsino't Pilipino. Nakahanda rin aniya ang tropang Tsino na isagawa ang pakikipagpalitan at pakikipagtulungan sa tropang Pilipino, at magkasamang pangalagaan ang kapayapaan at katatagan ng rehiyon.
Nagpahayag naman si Cayetano ng kahandaang palakasin ang pakikipagkoordina at pakikipagtulungan sa panig Tsino sa mga isyung panrehiyon at pandaigdig, at pasulungin ang walang humpay na pag-unlad ng bilateral na relasyon ng Pilipinas at Tsina.
Salin: Vera