Ipinahayag Hulyo 2, 2017, ni Amani Abou-Zeid, Commissioner for Infrastructure and Energy ng African Union (AU), na napakalaki ng pamumuhunan ng Tsina sa konstruksyon ng imprastruktura ng Aprika. Inaasahan aniya ng Aprika na ibayo pang mapapalakas ang kooperasyong Aprikano-Sino sa larangang ito sa hinaharap.
Tinukoy din niya na kasalukuyang nagsisikap ang mga bansang Aprikano upang maisakatuparan ang "2063 agenda," at naging mahalagang nilalaman nito ang pagpapabuti ng imprastruktura, at pagpapalakas ng integrasyon ng Aprika. Sa ilalim ng "Belt and Road" Initiative, magiging malakas na magpartner ang Tsina at Aprika sa larangan ng konstruksyon ng imprastruktura, dagdag pa niya.
Salin: Li Feng