Sa okasyon ng ika-20 anibersaryo ng pagsasagawa ng kooperasyon ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) at Tsina, Hapon, at Timog Korea (10+3), ginanap sa Changsha, probinsyang Hunan ng Tsina, Hunyo 30, 2017, ang Ika-15 East Asia Forum (EAF).
Magugunitang ang EAF ay mahalagang exchange mechanism sa sirkulong opisyal, industriyal, at akademiko, sa ilalim ng balangkas ng 10+3 cooperation. Dumalo sa nasabing porum ang halos 100 kinatawan mula sa sirkulong opisyal, industriyal, at akademiko ng mga bansang ASEAN, Tsina, Hapon, at Timog Korea.
Ipinahayag sa porum ni Liu Zhenmin, Pangalawang Ministrong Panlabas ng Tsina, na ang pinakamalaking tampok sa porum na lubos na napag-usapan ng iba't-ibang kalahok ay tungkol sa pagbalangkas ng blueprint ng East Asian Economic Community. Kasalukuyang aktibong pinag-uusapan ng 10+3 ang pagbalangkas ng nasabing blueprint upang gumawa ng plano para sa pag-unlad ng East Asian Economic Community.
Sa porum, ang "Belt and Road" Initiative ay isa pang mainit na temag pinag-usapan ng mga kalahok. Ipinahayag nila na dapat samantalahin ng iba't-ibang bansa ang pagkakataong ito upang sabay na matapos ang sariling puwersa, at makapagbigay ng bagong kasiglahan sa konstruksyon ng East Asian Community.
Salin: Li Feng