Kaugnay ng katatapos na serye ng pulong ng mga ministrong panlabas ng mga bansang Silangang Asyano nitong Martes, Hulyo 26, 2016, sa Vientiane ng Laos, sinabi ni Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina, na tagumpay ang nasabing mga pulong.
Sinabi ni Wang na buong pagkakaisang sinang-ayunan ng Tsina at mga bansang ASEAN na itatatag ang "Community of Common Destiny". Kaugnay ng kooperasyon ng dalawang panig sa hinaharap, sinabi ni Wang na liban sa seguridad na pulitikal at kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalalan, itatatag ng Tsina at ASEAN ang isa pang bagong platapormang pangkooperasyon. Ito aniya ay pagpapalitan ng kultura at pagpapalagayan ng mga tauhan.
Kaugnay ng isyu ng South China Sea (SCS), sinabi ni Wang na buong pagkakaisang sinang-ayunan ng Tsina at ASEAN na babalik ang Tsina at ibang mga kasangkot na bansa sa landas ng paglutas ng mga hidwaan sa pamamagitan ng diyalogo at pagsasanggunian.
Maliwanag na ipinahayag ng mga ministrong panlabas ng ASEAN na bilang isang nagkakaisang komunidad, walang papanigan ang ASEAN sa di-umano'y arbitrasyon ng SCS, at ang isyung ito ay isang bilateral na isyu sa pagitan ng Tsina at Pilipinas.
Bukod sa Pulong ng mga Ministrong Panlabas ng Tsina at ASEAN (10+1), ang serye ng pulong ng mga ministrong panlabas ng Silangang Asya ay kinabibilangan ng Pulong ng mga Ministrong Panlabas ng Tsina, Hapon, Timog Korea at ASEAN (10+3), Pulong ng mga Ministrong Panlabas ng East Asian Summit (EAS), at Pulong ng mga Ministrong Panlabas ng ASEAN Regional Forum (ARF).
Sinabi ni Wang na iniharap ng panig Tsino na dapat itatag ang East Asia Economic Community sa pundasyon ng ASEAN Community, pahigpitin ang diyalogo sa pulitika at seguridad sa pagitan ng mga bansa ng Silangang Asya.