Idinaos mula ika-14 hanggang ika-15 ng Hulyo 2017, sa Beijing ang Pambansang Pulong sa Gawaing Pinansyal ng Tsina.
Sa kanyang talumpati sa pulong, positibo si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa natamong bunga ng repormang pinansyal ng bansa nitong 5 taong nakalipas, at hiniling niyang palalimin ang repormang ito. Ito aniya ay para ibayo pang paunlarin ang sektor na pinansyal ng bansa, patuloy na panatilihin ang katatagang pinansyal, at mas mabuting maglingkod ang sektor na ito sa mga mamamayan at real economy.
Ayon pa rin kay Xi, isang komisyon ang itatatag sa ilalim ng Konseho ng Estado ng Tsina, para pangasiwaan ang katatagan at kaunlarang pinansyal.
Idinaraos kada 5 taon sapul noong 1997 ang Pambansang Pulong sa Gawaing Pinansyal ng Tsina. Ang repormang pinansyal ay pangunahing paksa nito.
Salin: Liu Kai