Kaugnay ng katatapos na Pambansang Pulong sa Gawaing Pinansyal ng Tsina, ipinalalagay ng mga ekonomistang Tsino, na mahalaga ang pulong na ito para sa mga gawaing pinansyal ng bansa sa susunod na yugto.
Ayon sa mga ekonomista, sa pulong na ito, ipinaliwanag ang tatlong pangunahing tungkulin ng gawaing pinansyal, na kinabibilangan ng paglilingkod sa real economy, pagkontrol sa panganib na pinansyal, at pagpapalalim ng repormang pinansyal. Ipinasiya rin sa pulong ang pagtatatag ng komisyon ng katatagan at kaunlarang pinansyal sa ilalim ng Konseho ng Estado, at pagpapalakas ng responsibilidad ng bangko sentral sa macro-management at pagpigil sa mga panganib na pinansyal. Sinabi ng mga ekonomista, na ang mga hakbanging ito ay mahalaga sa sektor na pinansyal ng Tsina.
Salin: Liu Kai