Sa pagtataguyod ng Misyon ng Tsina sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) at ASEAN Studies Center ng University of Indonesia, idinaos kamakailan sa Jakarta, Indonesya, ang symposium hinggil sa 50 taon ng ASEAN at relasyong ASEAN-Sino.
Kalahok dito ang mahigit 120 personahe na kinabibilangan ng mga diplomata, iskolar, at mamamahayag mula sa Tsina at mga bansang ASEAN. Positibo sila sa pag-unlad ng relasyong ASEAN-Tsino, at ipinahayag ang pag-asang patuloy na palalakasin ng dalawang panig ang kooperasyon.
Sinabi ni Pangalawang Pangkalahatang Kalihim AKP Mochtan ng ASEAN, na sa kasalukuyan, ang Tsina ang pinakamalaking elementong panlabas sa pag-unlad ng ASEAN. Aniya, mainam at mabunga ang kooperasyon ng ASEAN at Tsina, sa ilalim ng balangkas ng "Belt and Road" Initiative, pagpapatupad ng Declaration on the Conducts of Parties in the South China Sea, at iba pa. Umaasa rin si Mochtan, na ibayo pang palalakasin ng dalawang panig ang diyalogo, pasusulungin ang pagpapalitan ng mga mamamayan, at itatatag ang mas malawak na interkonektibidad. Ito aniya ay para sa kapayapaan, katatagan, kaunlaran, at kasaganaan ng rehiyong ito.
Salin: Liu Kai