Sa preskong idinaos kahapon, Biyernes, ika-26 ng Mayo 2017, sa Moscow, pagkatapos ng pag-uusap kasama ni Ministrong Panlabas Sergei Lavrov ng Rusya, inilahad ni Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina ang palagay at paninindigan ng kanyang bansa sa kasalukuyang kalagayan sa Korean Peninsula.
Ayon kay Wang, pinaninindigan ng Tsina, na batay sa buong higpit na pagpapatupad ng mga resolusyon ng United Nations Security Council, mapayapang lutasin ang isyu ng Korean Peninsula, sa pamamagitan ng diyalogo at talastasan. Dagdag niya, ang paraang militar ay hindi dapat maging pagpili ng anumang bansa, at nagkakaroon ng komong palagay hinggil dito ang Tsina at Rusya.
Sinabi rin ni Wang, na ang pagkabahala sa seguridad at kawalang pagtitiwalaan ay pinanggagalingan ng isyu ng Korean Peninsula. Dapat aniyang tumpak na lutasin ang makatwirang pagkabahala ng iba't ibang panig sa seguridad, at gawin ang mas maraming bagay na makakabuti sa pagtatatag ng pagtitiwalaan. Ani Wang, para rito, iniharap ng Tsina ang "dual-track approach" hinggil sa denuklearisasyon sa Korean Peninsula at pagtatatag ng mekanismong pangkapayapaan, at pati rin ang proposal ng "suspension-for-suspension" hinggil sa pagtitigil ng Hilagang Korea ng nuclear test at pagtitigil ng Timog Korea at Amerika ng mga pagsasanay militar. Ang mga ideyang ito ay kinakatigan ng panig Ruso, dagdag niya.
Ipinahayag din ni Wang, na patitingkarin ng Tsina at Rusya ang positibo at konstruktibong papel para sa pagpapahupa ng tensyon sa Korean Peninsula, at mapayapang paglutas ng isyung ito sa bandang huli.
Salin: Liu Kai