|
||||||||
|
||
Wang Yang, Pangalawang Premyer ng Tsina
Hulyo 19, 2017, Washington D.C.—Dumalo si Wang Yang, Pangalawang Premyer ng Tsina sa isang tanghaliang handog ng sektor ng industriya at komersyo ng Tsina at Amerika.
Sa kanyang talumpati, sinabi ni Wang na, ang kooperasyon ang tanging tumpak na pagpili ng Tsina at Amerika. Ang pag-unlad ng Tsina ay may pangmatagalang kaseguruhan, at ito ay naging mahalagang kapaligiran para sa mga dayuhang bahay-kalakal na nakikipag-kooperasyon sa Tsina, aniya pa. Maganda rin aniya ang prospek ng pagtutulungang pangkabuhayan at pangkalakalan ng Tsina at Amerika.
Steven Mnuchin, Secretary of the Treasury ng Amerika
Samantala, ipinahayag ni Steven Mnuchin, Secretary of the Treasury ng Amerika na ang mga mungkahi mula sa sektor ng industriya at komersyo ay makakatulong sa pagbalangkas ng mga patakaran. Ang Amerika at Tsina ay may komong interes, at nangangailangan ng kooperayson, dagdag niya. Ipinahayag naman ni Wilbur Ross, Secretary of Commerce ng Amerika na ang diyalogo ay nakakatulong sa kapuwa dalawang bansa para lutasin ang mga isyu.
Wilbur Ross, Secretary of Commerce ng Amerika
salin:lele
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |