Beijing-Nakipag-usap Hulyo 19, 2017 si Premyer Li Keqiang ng Tsina kay dumadalaw na Pangulong Palestino Mahmoud Abbas.
Ipinahayag ni Premyer Li na nananatiling mainam ang tradisyonal na pagkakaibigan, paggagalangan at pagkakatigan sa pagitan ng Tsina at Palestina. Aniya, nakipag-usap Hulyo 18 si Pangulong Xi Jinping kay Pangulong Abbas, at ito ay ibayong magpapasulong sa mapagkaibigang pagtutulungan ng Tsina at Palestina. Sinabi ni Li na walang itgil na sinusubaybayan at kinakatigan ng Tsina ang prosesong pangkapayapaan ng Gitnang-silangan, at ang pagpapanumbalik ng lehitimong karapatan at interes ng mga mamamayang Palestino. Aniya, ang pangangalaga sa kapayapaan at katatagan sa Gitnang-silangan ay may mahalagang katuturan sa pagpapasulong ng kapayapaan at katatagan ng rehiyon at daigdig.
Ipinahayag naman ni Abbas na nananatiling mainam ang bilateral na relasyon ng Tsina at Palestina. Hinahangaan aniya ng Palestina ang paninindigan ng Tsina sa isyu ng Palestina, at pinasalamatan din niya ang tulong na ibinibigay ng Tsina sa Palestina. Aniya, nakahanda ang Palestina na pahigpitin ang pakikipagpalitan sa Tsina sa mataas na antas, at palakasin ang pagtutulungan ng dalawang panig sa ibat-ibang larangang kinabibilangan ng konstruksyon ng mga industrial park, malinis na enerhiya, pagsasanay sa mga tauhan, at iba pa, para pasulungin ang masulog na pag-unlad ng mapagkaibigang pagtutulungang Sino-Palestino.