|
||||||||
|
||
Beijing — Sa kanyang pakikipagtagpo nitong Biyernes, Mayo 19, 2017, kay Pantaleon Alvarez, Ispiker ng House of Representatives of the Philippines, sinabi ni Zhang Dejiang, Tagapangulo ng Pirmihang Lupon ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina (NPC), na sa biyahe ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Tsina noong isang taon, narating nina Pangulong Xi Jinping at Pangulong Duterte ang mahalagang komong palagay hinggil sa pagpapabuti at pagpapaunlad ng relasyong Sino-Pilipino. Sa kasalukuyan, komprehensibo aniyang bumubuti ang relasyon ng dalawang bansa, at nakapasok ang kanilang kooperasyon sa bagong yugto. Nakahanda aniya ang panig Tsino na magsikap kasama ng panig Pilipino, para mapanatili ang pagtitiwalaan, mapalakas ang estratehikong pagkokoordinahan, mapalalim ang pragmatikong kooperasyon, at magkasamang mapasulong ang pagtatamo ng relasyon ng dalawang bansa ng mas malaking pag-unlad.
Dagdag pa ni Zhang, pinahahalagahan ng NPC ang pagpapaunlad ng relasyong pangkaibigan sa Kongresong Pilipino. Umaasa aniya siyang ibayo pang mapapalakas ang pagpapalitan at pagtutulungan ng dalawang panig.
Sinabi naman ni Alvarez na kinakatigan ng panig Pilipino ang "Belt and Road" Initiative na iniharap ng Tsina. Ipinalalagay niyang ang inisyatibong ito ay makakapagpasulong sa kaunlaran at kasaganaan ng mga bansang Asyano.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |