Ayon sa ulat ng pahayagang "Vietnam Economy Times," noong unang hati ng taong 2017, umabot sa 10.4 bilyong dolyares ang kabuuang halaga ng pagluluwas ng Biyetnam sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN). Ito ay lumaki ng 26.7% kumpara sa gayunding panahon ng tinalikdang taon. Ang ASEAN ay ang ika-3 pinakamalaking pamilihan ng pagluluwas ng Biyetnam. Kabilang dito, lumaki ng 95% ang pagluluwas ng computer, mga produktong elektroniko at spare and accessory part. Lumaki naman ng 31.5% ang pagluluwas ng cellphone at cellphone parts, at 13.3% ang paglaki ng mga produktong akwatiko.
Salin: Vera