Ayon sa ulat ng "Chinese Commercial News" ng Pilipinas, ipinakikita ng ulat ng Business Monitor International (BMI), na mula taong 2017 hanggang 2021, ang Pilipinas at Biyetnam ay magiging dalawang sentro ng produksyon ng kotse na may pinakamabilis na paglago sa Timog-silangang Asya. Aabot sa 359,000 ang output ng kotse ng Pilipinas, na lalago ng 300%; at aabot naman sa 112,000 ang output ng kotse ng Biyetnam, na lalaki ng isang ulit.
Noong 2016, lumampas sa 6% ang paglago ng kabuhayan ng Pilipinas at Biyetnam, na nanguna sa buong mundo. Ang malaking paglago ng pagbebenta ng kotse ng nasabing dalawang bansa ay sanhi ng masiglang pag-unlad ng kabuhayan ng sariling bansa, at paglaki ng karaniwang kita ng mga mamamayan.
Salin: Vera